Send us a Message
Please READ the instructions below

Use this form to send us your thoughts, feedbacks, and questions about our website, company, products, and services

We will be able to reply to your query(ies) if you will provide us your valid working email

Note: Select all appropriate concern(s) for your query(ies)






















Pangangalaga ng Wika tampok sa LC San Juan

Lorma San Juan Campus – Ang Lorma San Juan Campus ay nakiisa sa malawakang pagdiriwang ng Buwan Ng Wika ng ating bansa sa temang, “Sa Pangangalaga ng Wika at Kalikasan wagas na Pagmamahal talagang Kailangan” noong ika-isa ng Setyembre 2010. Namumukod tangi ang pagdiriwang ng Lorma San Juan campus sapagkat hindi lang nila pinamalas at pinakita ang mga katutubong kasuotan nating mga Filipino bagkus pinaranas nila ang kaugaliang Filipino sa pamamagitan ng pananalita, kilos, at pagkain na lahat ng dumalo ay naanyayahang makilahok sa salu-salong inihandog ng mga guro at ng mga mag-aaral.

Ang programa ay isang paraan upang gisingin ang ating mga damdamin sa reyalidad na kailangang iligtas ang ating kalikasan sa anumang kapamahakan na ating dinudulot dito upang hindi maging huli ang lahat.

 

Ang mga dumalo ay hiningan ng partisipasyon sa pagtulong at pagsagip sa Inang Kalikasan natin para may maabutan pa ang ating mga susunod na henerasyon at hindi lang makikita sa telebisyon o pelikula bagkus sa unang karanasang makita, makasalamuha at mahawakan ang mga ito.

Sa pagdiriwang ito, hindi nagpahuli ang mga mag-aaral gayundin ang mga guro, mga magulang at mga bisitang dumalo sa pagsuot ng kanya kanyang tradisyunal na kasuotan mula sa Preschool hanggang antas Sekondarya. Nagmistulang “Gabi ng Parangal” ang okasyon na karaniwan nating napapanood sa telebisyon sa paggawad ng tropeo sa mga artista at talaga namang mamamangha ka sa kakaibang disenyo ng mga kasuotan.

Nagpamalas rin ng kani-kanilang talento ang mga magaaral sa pagtugtog ng mga instrumentong musikal, pag awit at pagsayaw ng ballet.

Sadyang napakaganda at masayang mag aral sa Lorma, pinalilinang ang bawat talento ng mga mag-aaral, pinadadama ang kulturang Filipino na sadya namang kailangan sa mga panahong ito at binubuhay ang responsibilidad ng bawat isa para sa masagana, mapayapa at maunlad na hinaharap.

-Christopher M. Jimenez, Alumni Relations and Marketing Officer